sorry di kita hinabol…
mapride ako,mayabang, akala ko kaya kong mag isa, akala ko madali lang umibig ng katulad ng ginagawa mo… mali pala ako
sorry hindi kita hinabol…
sorry tayo’y malabo
maya maya lang ay may ilaw na
pero magkailaw man madilim parin kung wala ka…
sorry…
Isang Araw sa Buhay ng Isang Torpe (tanga/mahiyain/nerbyoso)
gumising ako na bitin, kung kelan kasi hahalikan na kita sa panaginip ko doon pa ako nagigising. bakit nga kaya ganun kung kelan nasa pinaka exciting na moment sa na ng panaginip mo doon ka pa biglang nagigising, hay ewan atleast masaya ako kasi ikaw nanaman ang laman ng panaginip ko.
bago ako pumasok sa eskwela nag dadasal ako sa panginoon sana makita kita, sana bigyan nya ako ng lakas ng ng loob, at kalinawan ng pag iisip bakit kasi ganito nanghihina ako kapag nandiyan kana sa paligid ko…
byernes nga pala ngayon 2 araw tayong hindi magkikita badtrip.
bigla nalang lumamig ang hangin pag pasok ko ng corridor (there’s a disturbance in the force) alam kong malapit ka lang dito naiiwan kasi yung amoy mo sa kung saan ka man dumaan eh, hanggang ayun natanaw na rin kita parang slow motion ang lahat pag bagsak ng buhok mo pag lingon mo pag ngiti mo hay… hanggang napansin ko na nakangiti na pala ako.
sabay tayong pumasok ng classroom nakatitig lang ako sayo habang abala kang makipag kamustahan sa kasama mo, hindi ko alam kung bakit na para bang na dampian ako ng langit sa katawan ng magka banggaan ang ating siko, hindi mo ito pinansin pero ako parang itong “banal na siko”.
lunch break na sabay tayong pumunta ng canteen para buimili ng pagkain gusto sana kitang ilibre kahit zesto lang para mapansin mo lang ako ngunit inuunahan ako ng kaba sa tuwing malapit kana, makita ko lang ang ngiti mo busog na ako, marinig ko lang yung tawa mo kahit isang taon na akong hindi matulog pwede, papaano pa kaya kung napansin mo pa ako.
panaginip nanaman ba ito nakatingin ka sa akin at unti-unting lumalapit, SHIT! bakit bumabagal nanaman yung oras? bakit nag iislow motion yung bawat tao bakit ang tanging bumibilis ay yung tibok ng puso ko, hala anjan kana *biglang
“nakagawa ka na ba ng assignment sa literature?, naiwan ko kasi yung book ko hihiramin ko sana yung saiyo, ok lang ba?”
sabi ko sa sarili ko this is it! wala ng atrasan to siya na ang lumapit kailangan ko nalang sabihin na gusto ko kung paano siya manamit, kung paano siya mag salita, kung paano nya banggitin ang pangalan ko, kung paano siya mag lakad, kung paano nya ayusin ang buhok nya , kung paano nya pinapagaang ang araw ko at gusto kong sabihin na mahal ko siya simula pa ng una ko siyang nakita…
“ay meron pala nun sa library doon nalang din ako gagagwa, anyway thanks”
hala wala akong na sabi kahit isang letra kahit ungol kahit hinga! anong nangyari?! bakit ganoon?! gusto kong iuntog yung sarili ko sa pader! anong nangyari sakin…
uwian na nasaisip ko parin ang mga pangyayari…paano kung nasabi ko sakanya yun? matatanggap nya kaya ako? may pag-asa kaya ako…gabi na oras na ng tulog ko bago ako natutulog pinagdarasal ko sa panginoon ang bawat gabi nya na sana maging maayos at sana mapanaginipan ko ulit xa siguro sa panaginip nalang kami pwedeng magsama… sa panaginip ko nalang maamin sa kanya… hay buhay







